Posts

Showing posts from January, 2017

Pista ng Itim na Nazareno

Image
 Ang Pilipinas ang bukod tanging  Romano Katoliko sa buong Asya at ang populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng Siyam napu't siyam na porsyento  ay mga Katoliko at ang  nalalabing bahagi ng mga relihiyon ay nahahati sa iba't -ibang sekta. Sa tuwing ika-9 ng Enero ng bawat taon ay  ipinagdiriwang ang Pista ng Itim na Nazareno  na ginaganap sa  Quiapo Maynila. Dito ang mga  deboto na galing pa sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas ay nagkakasama-sama sa pagdiriwang na naging tradisyon na at kaugalian dala ng kanilang malalim na pananampalataya at sakripisyo sa buhay. Ayon sa kasaysayan “ Ang nasabing Nazareno o tinatawag na Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda. Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa