Pista ng Itim na Nazareno




 Ang Pilipinas ang bukod tanging  Romano Katoliko sa buong Asya at ang populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng Siyam napu't siyam na porsyento  ay mga Katoliko at ang  nalalabing bahagi ng mga relihiyon ay nahahati sa iba't -ibang sekta. Sa tuwing ika-9 ng Enero ng bawat taon ay  ipinagdiriwang ang Pista ng Itim na Nazareno  na ginaganap sa  Quiapo Maynila. Dito ang mga  deboto na galing pa sa iba't-ibang lugar sa Pilipinas ay nagkakasama-sama sa pagdiriwang na naging tradisyon na at kaugalian dala ng kanilang malalim na pananampalataya at sakripisyo sa buhay.


Ayon sa kasaysayan “Ang nasabing Nazareno o tinatawag na Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda. Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipnas.
Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay dinala sa Maynila ng mga pari mula sa Augustinian Recollect noong Mayo 31, 1606. Ang imahe nito ay inilagak sa unang simbahan ng Recollect sa Bagumbayan (na ngayon ay parte na ng Rizal Park), at pinasiyahan noong Setyembre 10, 1606.
Noong 1608, ang pangalawang pinakamalaking simbahang Recollect na inihandog kay San Nicolas de Tolentino (Saint Nicholas of Tolentine) na natapos sa loob ng Intramuros (kung saan nakalagak ngayon ang gusali ng Manila Bulletin) at ang imahe ng Nuestro Padre Jesús Nazareno ay inilipat dito. Ang mga pari ng Recollect ay patuloy na isinulong ang debosyon sa Paghihirap ni Hesus sa pamamagitan ng nasabing imahe. Makalipas ang labinlimang taon, nabuo ang Cofradia de Jesús Nazareno at itinatag noong Abril 21, 1621. Nakatanggap ito ng Papal approval noong Abril 20, 1650 mula kay Pope Innocent X.
Noong 1787, si Basilio Sanco Junta y Rufina, ang Arsobispo ng Maynila ay nagutos na ilipat ang imahe sa Quiapo, sa ilalim ng pagtaguyod kay Saint John the Baptist.
Ang imahe ng Nazareno ay naisalba sa iba't-ibang kalamidad at digmaan tulag noong nasunog ang simbahan sa Quiapo noong taong 1791 at 1929 gayun din ang lindol noong 1645 at 1863 at ang pambomba sa Maynila noong 1945 noong panahon ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan.
Noong 1998, isang replika ng orihinal na imahe ng Itim na Nazareno ang ipinarada dahil sa pinsalang nakamit ng orihinal na imahe at mula noon, ginamit na ito sa mga prusisyon habang ang orihinal na imahe ay nanatiling nakalagak sa loob ng simbahan. Ang iba pang maliit na replika ng imahe ay matatagpuan sa loob ng simbahan.

Para sa ordinaryong Pilipino na may malalim na pananampalataya at debosyon, buhay pa ang aral ni Hesukristo na   kanyang itinuro sa kanyang mga alagad at taga-pagsunod dalawang libong taon na ang nakaraan, na ang pagkamatay niya sa krus at muling pagkabuhay matapos ang tatlong araw ay tunay na sumasalamin sa ating pang araw-araw na buhay.

Ako bilang isang katoliko, masasabi ko na bahagi ako ng pananampalataya at debosyon na aking kinagisnan, na aking pinaniniwalalan sa bawat araw na dumaan, na aking isinasabuhay sa aking pang araw-araw na pakikisalamuha.


Ang  mga  deboto na nagmula pa sa iba't-ibang bahagi ng bansa ay nagtipon-tipon para sa isang mahalaga at makasaysayang pagdiriwang ng taon-Pista ng Itim Nazareno


Hindi natin ma-aalis sa ating kinagisnang kultura na ang pagiging katoliko ay bahagi na ng ating buhay. Nang tayo ay sakupin ng mga Kastila apat an daang taon na ang nakalipas buhay pa rin sa ating kultura bilang Romano Katoliko ang pag-samba at debosyon sa ating taga-pagligtas na si Hesukristo. Likas sa ating mga Pilipino ang pagdalo sa mag pagtitipon at at pagtulong sa mga gawaing simbahan ito man ay ordinaryo o isang malaking selebrasyon na nagpapakita ng ating malalim na pananampalataya sa Diyos .



Mga deboto ng Itim na Nazareno- makikita ang saya, sakripisyo at debosyon at lalim ng kanilang pananampalataya.




  






Ang pananampalataya at debosyon ay walang pinipiling tao, kasarian, edad, pinag-aralan at estado sa  buhay o lipunan may impluwensya man o wala lahat ay pantay-pantay.

Ang pagdiriwang ng Pista ng Itim Nazareno ay sumasabuhay  hindi lang sa ating kinagisnang kultura at pananamplaya bagkus ito ay sumasabuhay sa ating malalim  at walang kapantay na pagmamahal sa ating Diyos at kapwa tao tulad ng pagmamahal ni Kristo sa atin na kung saan ang pagkamatay niya sa Krus ay simbolo na tayo ay mahal niya sa kabila ng ating mga kasalanan at pagkukulang.

Sa mga deboto at mga  opisyal ng simbahang Katoliko at mga kapatid sa pananampalataya, naway  humayo tayo at ating ipagpatuloy at isabuhay ang tunay na pagmamahal at mensahe ng ating mahal na Panginoong Hesukristo hindi lang sa salita kundi pati na rin sa gawa.

Isang maligayang Pista ng Itim na Nazareno. Mabuhay ang sambayang Pilipino!




All Rights Reserved 2017 ©








Comments

Popular posts from this blog

Side Trip: Tiaong and Candelaria Quezon

Lipa Photography Circle Fashion Week – Year Ender 2024